Lolit Solis ibinulgar ang relasyon nina Vic and Pauleen

INAMIN ng talent manager at TV host na si Lolit Solis na “nailang” siya nang una niyang nabalitaan ang sinasabing relasyon ng kanyang “alaga” na si Pauleen Luna kay Vic Sotto.

Unang lumabas ang Vic-Pauleen affair sa kolum ni Ricky Lo sa pahayagan ng Philippine Star. Gayunman, wala pa ring opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa nasabing isyu.

Bago pag-usapan ng apat ang isyu, pabirong bumungad si Joey na siya ang kakatawan na abogado ng kanyang kaibigang si Vic.

“Ako wala akong alam diyan,” natatawang hirit ni Joey. “Yung sinulat ni Ricky na showered with gifts palagay ko hindi totoo ‘yon, ang totoo yung shower lang.”

Ang tinutukoy ni Joey ay ang bahagi ng isinulat ni Ricky na binuhusan daw ni Vic ng mga regalo si Pauleen, na noong una ay atubili raw ang young actress na tanggapin.

“Nung una according sa mommy ni Pueleen iniiwasan ni Pauleen si Bossing (tawag kay Vic),” kwento ni Manay Lolit. “’Pag may nireregalo ibinabalik, inaano, ayaw.”

Hanggang sa may nahalata na raw ang nanay ni Pauleen nang mag-birthday ang young actress at makatanggap muli ng regalo mula kay Vic.

“Birthday yata ni Pauleen na may niregalo, akala daw niya (mommy ni Pauleen) ipababalik ni Pauleen. Tapos si Pauleen na nagsabi, ‘wag mommy ha birthday gift naman ‘yan. Kaya nakahalata na ang nanay,” patuloy ni Lolit.

Ibinisto rin ng talent manager na mismong ang nanay ni Pauleen ang nagsabi sa kanya na nagpunta sa kanilang bahay si Vic.

Nang tanungin si Lolit kung sinubukan ba niyang hinadlangan ang relasyon ng dalawa.

“Hindi,” mabilis na sagot ni Manay Lolit. “Honestly ang pinakagusto kong boyfriend ni Pauleen nung una si (Valenzuela Mayor) Sherwin Gatchalian. Kasi binata, saka hindi malayo ang edad. Sa akala ko bagay na bagay sa edad ni Pauleen.”

Si Pauleen ay 23-anyos, habang 57-anyos naman si Vic.

“Hindi ko naman akalain na may pagnanasa pala siya kay Bossing, at si Bossing may pagnanasa kay Pauleen,” patuloy ni Lolit.
Inamin niya na nailang siya nang una dahil kasama rin nina Vic at Pauleen sa Eat Bulaga si Pia Guanio na naging ex-girlfriend din ni Vic.

Gayunman, okey lang daw kay Manay Lolit kung lilitaw na totoo ang balitang nagmamahalan sina Vic at si Pauleen.
“Eh kung natatanggap ni Pia, natatanggap ni Pauleen okey lang. Kasalanan ba ni Bossing na ganun siya ka-attractive, ganun siya kaguwapo, ‘di ba,” pahayag ni Lolit.

Tiniyak naman ng kaibigan ni Vic na si Joey na maayos ang samahan nila sa Eat Bulaga.

“Lalabas at lalabas ‘yan kung totoo di ba? Hindi natin maiiwasan ‘yan,” ayon kay Joey na maya’t maya ay nagpapasok ng mga pabirong komento.

“Pero ang pag-ibig naman para sa lahat,” dagdag niya. “Kung totoo man ‘yan, anong masama? Tayo nama’y isinilang ang aspirations natin isa sa pinakadakilang mithiin natin ay pag-ibig.”

Nang hingan kung ano ang maipapayo sa kaibigang si Vic, sinabi ni Joey na siya talaga ang humihingi ng payo kay Bossing kung papaano umano maging “lovable” at “attractive” sa mga batang babae.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply