Lolo inanod ng baha, dedo nang lumutang sa ilog

HINDI na naisalba pa ng rescue team ng Quezon City ang buhay ng isang 64-anyos na matandang lalaki na minalas na maanod ng malakas na agos ng tubig sa kasagsagan ng ulan sa kagabi (Disyembre 2).

Sa bahagi na ng Dario River sa Barangay Apolonio Samson natagpuan ang wala nang buhay na si Rolando Terasa, dyipni drayber at taga-Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, QC.

Kinakitaan ng isang sugat sa ulo ang biktima nang maiahon ito ng mga tauhan ni Rufino Lim na nagsagawa ng rescue operation sa lugar.

Positibo namang kinilala ang biktima ng kanyang kapatid na si Romarico, barangay tanod sa lugar.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation Unit dakong 6:30 ng umaga kanina ng matagpuan ng isang alyas “Berong,” isang scavenger ang bangkay ng biktima na lumulutang sa ilog.

Nabatid sa ulat na huling nakitang buhay ang biktima dakong 5:30 ng kahapon na kinukumpuni ang tulay na kahoy sa creek ng Sitio Militar sa tapat ng kanyang bahay sa lugar habang nasa kasagsagan ng pag-ulan.

Dahil umano sa lakas ng agos ng tubig ay natangay ang biktima at inanod hanggang sa nabanggit na ilog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply