Lolo na dumayo ng sex, tinangayan ng datung

DAHIL nakatulog sa pagod, isang senior citizen ang natangayan ng P20,000.00 na dumayo pa sa Davao City para makatikim ng panandaliang-aliw.

Dumulog sa Sta. Ana Police Station ang isang nagngangalang Marcial Beltran, 68-anyos residente ng Mabini, Mainit, Surigao del Norte para isuplong na kinuha ng isang hindi nakikilalang

commercial sex worker ang kanyang nabanggit na halaga ng pera sa loob ng isang tourist inn, sa daang Villa Abrelle, sa lungsod ng Davao nitong Sabado ng gabi (Disyembre 10).

Ayon kay Beltran, pumunta siya sa Davao City dahil marami umano ritong nagbebenta ng panandaliang aliw kaya nagpatulong sa isang taxi driver upang makahanap ng babaeng makatabi sa kama.

Pinalad naman at nakakita agad sila ng isang seksing babae at sa pakikipakasunduan ay babayaran niya ito ng P2,000.00 sa tatlong round nilang pagtatalik.

Pero sa unang round pa lamang, nakatulog na agad si Beltran at pagising niya ay wala na ang inupahang babae at pati na rin ang

kanyang dalang P20,000.00 ay nawala na rin sa kanyang pitaka.

Hinala naman ng pulisya na bago nagtalik ang biktima at ang babaeng upahan ay may pinainom ito sa matanda ng isang uri ng gamit na nakakaantok kaya madaling nakatulog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply