Lolo tinadtad ng saksak ng sekyu

NAMATAY agad ang isang lolo matapos tadtarin ng saksak ng kapitbahay nitong security guard nang magkaroon ng mainitang pagtatalo kagabi (Nobyembre 30) sa  Damata Tonsuya, Malabon City.

Patay sa pinangyarihan sanhi ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Carlito Lampera, 63.

Inatasan ni Sr. Supt. Ferdinand Amper ang kanyang mga tauhan para sa agarang ikadarakip sa tumakas na suspek na si Jojo Jaylo.

Ayon sa ulat dakong alas-9:00 ng  gabi ng  katukin ng suspek ang pintuan ng bahay ng  natutulog na biktima.

Dahil sa lakas ng pagkalabog ng pintuan ay nagalit si Mang Carlito at hinarap ang suspek hangang sa magkaroon ng pagtatalo na humantong sa pananaksak.

Nang duguang bumagsak sa pintuan ang biktima ay agad na tumakas ang suspek bitibit ang ginamit na patalim.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa pagpaslang. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply