Lovi Poe makikipagtalbugan kina Carla at Solenn

SUNUD-SUNOD na suwerte talaga ang nangyayari kay Lovi Poe. Latest na balita ay siya ang napiling bagong endorser ng Red Horse Beer. Makikita ang naggagandahang sexy pictorials at nakakatakam na TV commercial ni Lovi bago magtapos ang 2011.

Bukod pa rito, pinag-uusapan na ang latest movie ni Lovi na isa siya sa bida, ang “Yesterday, Today and Tomorrow.”

Isa ito sa mga entry ng Regal Entertainment, Inc. sa 2012 Metro Manila Film Festival. Ang isa pa’y ang walang kupas na “Shake, Rattle And Roll 13.”

Aba, hit at pinag-usapan lahat ang limang pelikulang naipalabas ngayong 2011 na pawang bida si Lovi. Ang pinaka-latest na nag-hit ay ang “Aswang.” Ipinakita rito ni Lovi ang talent niya sa action bilang aswang na may puso.

Ang apat pa niyang pelikula ay ang “My Valentine Girls,” “Deadline,” “Temptation Island” at ang “My Neighbor’s Wife.”

Dahil sa sunud-sunod na projects, tinagurian na si Lovi bilang hot actress and singer. May soap na siyang sinisimulan ngayon sa GMA-7, ang “Legacy.” Magkasama sila ng friend niyang si Heart Evangelista sa title role.
Makakapartner ni Lovi sa nasabing soap si Geoff Eigenmann.

Sa recording naman, early next year ay ire-release na ni Lovi ang kanyang third album. Kaya sunud-sunod na trabaho ang ginawa niya this year.

At dahil sobrang hot and in demand ang career ni Lovi, ang Red Horse Beer ay di nag-atubiling kunin siya bilang new endorser ng kanilang inuming panglalaki.

Ani Lovi: “Sobra-sobra akong flattered na kinuha nila akong endorser ng Red Horse Beer.”

Sumunod lang si Lovi sa yapak nina Georgina Wilson at Isabelle Diaz Daza na dating mga endorser ng Red Horse Beer.

Sa Yesterday, Today, Tomorrow ng Regal, may bagong leading man si Lovi, si Jericho Rosales, na matagal na rin niyang crush at hinahangaang actor dahil sa galing nitong umarte.

Ang YTT movie ay idinirek ni Jun Lana at kasama rin sa cast sina Ms. Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Ronaldo Valdez, Agot Isidro, Dennis Trillo, and Solenn Heussaff.

0000

CORFIRMED nang magbabakasyon si Sarah Lahbati sa Switzerland sa early 2012. Tatapusin lang niya ang kanyang taping ng “Kokak,” ang first title role soap niya, na ngayo’y namamayagpag sa ere bilang No. 1 soap pagkatapos ng Eat Bulaga.

Sa kanyang pagbabakasyon, kasama niya ang lalaking nagtatangi sa kanyang si Derrick Monasterio. Bukod sa bakasyon, magkakaroon ng series of concert si Sarah sa Switzerland para aliwin ang ating mga kababayang Pinoy roon, pati na rin ang mga kamag-anak at kaibigan na matagal na siyang na-miss.

Siyempre, parehong magaling umawit sina Sarah at Derrick kaya magkakaroon na sila ng duet.

Hindi na nakabalik pa si Sarah sa bayang kinalakihan niya sa Europe buhat nang magwagi siya sa StarStruck batch 5 noong 2009. Pinagsikapan ni Sarah na abutin ang career niyang tinatamasa ngayon bilang isa sa most promising stars ng GMA-7.

Resulta, lead role kaagad siya sa Kokak at mainstay rin ng Party Pilipinas tuwing Sunday.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply