LPA naminsala: 1 patay

NASAWI ang isang lalaki makaraang malunod bunsod ng patuloy na pag-ulan sa bansa dulot ng low pressure area (LPA) sa Catanduanes.

Batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang nasawi na si Isidro Reyes, ng Virac, Catanduanes.

Samantala, sa Cauayan City Isabela, hindi madaan ng mga sasakyan ang Alicaocao overflow brigde maging ang Annafunan at Gucab brigde sa Sta. Maria.

Hindi rin madaan ang Capatan overflow bridge sa Tuguegarao at Itawes bridge sa Piat.

Sa Oriental Mindoro umabot sa 25 pamilya ang nagsilikas sa gym at sinuspende ang mga klase dahil sa mga pag-ulan.

Sa E.B. Magalona sa Negros Occidental umabot sa siyam na barangay ang dumanas ng mga pagbaha kung saan umabot sa 18,856 ang mga nagsilikas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply