LPA nararamdaman na sa Visayas, Mindanao

NAKARARANAS na ng pag-ulan ang Visayas at Mindanao kabilang na sa Iligan at Cagayan de Oro City na una nang sinalanta ng kalamidad dulot ng bagyong Sendong.

Ito ay bunsod pa rin ng epekto ng Low pressure area (LPA).

Ayon sa PAGASA, huling namataan kaninang hapon ang LPA sa layong 120 kilometro sa timog kanluran ng Cotabato City.

Sa lawak ng dala nitong kaulapan umaabot hanggang sa Visayas.

Dahil dito patuloy ang babala ng PAGSA sa mga residenteng nasa mapanganib na lugar na paghandaan ang mga pag-ulan na maaaring humantong sa mga pagbaha at paguho ng lupa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply