LPA nasa Palawan na

PATULOY ang pag-ulan sa bahagi ng Visayas, Mindanao at bahagi ng Luzon.

Ayon sa Pagasa, kaninang tanghali ay tumawid sa kanlurang bahagi ng Visayas ang low pressure area (LPA) na huling namataan sa layong 120 kilometro sa timog ng Palawan.

Malawak ang dalang kaulapan ng LPA kaya’t hindi lamang ang Visayas at Mindanao ang nakakaranas ng mga pag-ulan kundi maging ang central at southern Luzon kabilang na ang Bicol Region.

Inaasahang hanggang sa weekend pa mararanasan ang patuloy na mga kalat-kalat na pag-ulan sa malawakang bahagi ng Pilipinas.

Samantala, nakataas pa rin ngayon ang “gale warning” ng Pagasa, o babala laban sa mga maliliit na sasakyan pandagat na mag-ingat sa malalaking alon partikular sa baybaying dagat ng central, southern at northern Luzon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply