LRT, MRT may libreng sakay bukas

MAY handog na libreng sakay ang Light Rail Transit at Metro Rail Transit para sa mga komyuter bukas (Disyembre 30).

Ito ay bahagi ng paggunita sa ika-115 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal.

Sa umaga, magsisimula ang libreng sakay dakong 7:00 hanggang 9:00 ng umaga habang sa hapon naman ay mula 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.

Kaugnay ng selebrasyon, dadalo naman si Pangulong Benigno Aquino III sa pagdiriwang sa Rizal Park, sa Maynila.

Ayon pa kay National Park Development Committee Director Juliet Villegas, pangungunahan ni Pangulong Aquino ang flag-raising at wreath-laying sa parke at pasisinayaan ang Rizal Fountain at ang Noli Me Tangere Garden.

Ang Pambansang Bayani ay ikinulong sa Fort Santiago at binaril sa Bagumbayan o Luneta na tinatawag ngayon na Rizal Park noong ika-30 ng Disyembre 1896.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply