LTO Sec. Torres ginagamit ng DSTODA sa panloloko

BIGYAN natin ng daan na mailathala  ang isang bukas na liham ng isang nagpakilala sa pangalan na Myla Angara ng Cainta, Rizal.

Sa liham ni Mrs. Angara, tinawagan nito ng pansin si Pang. Noynoy Aquino kaugnay sa pagkaladkad at paggamit ng samahang DSTODA kay LTO Sec. Virgina Torres.

Basahin natin ang kabuuang nilalaman ng  liham ni Mrs. Angara.

Magandang araw po Sir Johnny.

Ako si Mrs. Myla Angara.

Sana maipaabot ninyo sa kaalaman ni Pang. Noynoy Aquino ang ginagawang pagkaladkad at paggamit sa pangalan ni Sec. Virginia Torres ng samahang DSTODA na binubuo ng mga Public Utility Jeepney na bumibiyahe mula sa Sta. Lucia Mall, Cainta, Rizal hanggang Binangonan, Rizal.

Sina Mr. Cantane, Gema at iba pa ang mga opisyal nito.

May ibinebenta kasi silang sticker na ang nakalagay ay LTO logo tapos may nakasulat na Rizal at P500 ang kada isang sticker.

Bukod sa sticker ang ibibigay namin na butaw na P60 kada araw para raw hindi hulihin ng LTO ang mga magpapakabit ng sticker.

Kahit daw out of line or kahit anomang violation ‘di raw huhulihin kasi direkta raw
na mapupunta kay Sec. Torres ang binayad sa sticker na P500.

‘Yung ibibigay naming P60 kada araw ay para wala raw mangangahas na manghuli sa amin dahil ipatatanggal daw niya sa trabaho ang sinomang manghuhuli sa mga may nakakabit na sticker.

Alam ba niya at pinahihintulutan ba nya ito?

Sana mapaimbestigahan ninyo ito dahil taliwas sa matuwid na daan.

Maraming salamat po and more power.

PAIHI SA STA. MESA GRABE  NA

Grabe pa rin kung magpaihi  ng diesel at gasolina itong si Mr. Sy ng Old Sta. Mesa, Manila. Araw-araw ay panay ang bagsak nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply