Luis, Jennylyn iniwas kay Dennis Trillo

VERY touching naman ang napakahabang thank-you speech ni Gabby Eigenmann nung nagwagi siya bilang best supporting actor for a drama series sa Golden Screen TV Awards noong Martes ng gabi sa Teatrino sa Greenhills. Nanalo siya para sa pagganap n’ya bilang kontrabida sa “Munting Heredera” ng GMA-7.

“Pakiramdam ko ngayon, Eigenmann na talaga ako, dahil sa wakas ay nanalo na rin ako ng acting award. Ito po talaga ang first ever award ko,” pagtatapat nang maluha-luhang aktor na anak ni Mark Gil sa dating modelong si Irene Celebre.

Award-winning ang ama n’ya (na Eigenmann ang tunay na apelyido), ang lola n’yang si Rosemarie Gil, ang mga kapatid ng ama n’yang sina Michael de Mesa at Cherie Gil, pati na ang half-brother n’yang si Sid Lucero (na ang ina naman ay ang occasional actress na si Bing Pimentel).

Award-winning din ang ina ng half-sister n’yang si Andi Eigenmann na si Jaclyn Jose. (Nominated din sa Golden Screen TV Awards si Andi for breakthrough performance nito sa “Agua Bendita,” bagama’t si Ritz Azul ang nagwagi para sa pagganap n’ya sa “Mga Nagbabagang Bulaklak” ng TV5).

Ang tiyahin n’yang si Gina Alajar (ex-wife ni Michael de Mesa) ay napakarami na ring napanalunang award in the past, at nagwagi na naman siyang best supporting actress in a drama series para sa pagganap n’ya sa “Amaya” (ng GMA-7 pa rin, at tinanghal na Outstanding Drama Series).

Guwapo si Gabby pero tabain, at inamin din n’yang ang talagang pinangarap n’yang masalihan ay ang cast ng Amaya, pero di n’ya napaganda ang katawan n’ya in time for the audition, kaya’t sa Munting Heredera siya nai-cast.

Miyembro kami ng Entertainment Press Society (Enpress) na nagkaloob ng Golden Screen TV Awards. Tatlong buwan kaming nagtiyagang nag-review ng entries sa 49 na kategorya na isinumite ng networks. Sa grupo namin, hindi simpleng botohan lang ng mga miyembro ang pagpili ng final winners. Isang buong maghapon kaming nagdi-deliberate bago bumoto sa bawat kategorya.

Sa deliberation ay nililinaw ng sino mang miyembro ang strengths ng show na sa tingin n’ya ay karapat-dapat magwagi, samantalang ang mga tutol du’n ay ipu-point out naman ang weaknesses ng show at ipapahayag ang strengths ng show na sa tingin n’ya ay mas tamang magwagi.

Ang lahat ng kasali sa botohan ay iniengganyong magsalita. Hindi nagbobotohan hanggang may gusto pang talakayin ang kalakasan at kahinaan ng isang show na nominado.

Hindi nagpapakontrobersyal ang Golden Screen TV Awards. May mga nagsulat na buti naman daw ay di nagkita sa loob ng maliit lang na Teatrino ang mag-sweetheart na Luis Manzano-Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na ex ni Jennylyn.

Actually, tiniyak ng ilang Enpress members na di talaga magkatanawan man lang yung tatlo. Nasa loob na ng Teatrino sina Luis at Jennylyn nung dumating si Dennis. May Enpress member na nilibang-libang muna si Dennis sa labas ng Teatrino habang nasa loob pa yung dalawa. Nung nakapag-present na ng award si Luis, nanalo na siyang best adapted reality competition host, at nakapag-present na si Jennylyn, saka lang inengganyo si Dennis na pumasok na sa Teatrino. Later, nag-present din ng award si Dennis at nagwaging best actor in a drama series para sa pagganap n’ya sa “Sinner or Saint” ng GMA-7.

Hindi lang naman kontrobersya ang iniwasan ng Enpress, kundi yung maging uncomfortable ang mga artista at TV industry people na dumalo sa gabi ng parangal na iyon.

Oo nga pala, bagama’t di nakarating sa Teatrino si Billy Crawford, kasama siya ni Luis na nagwagi para sa “Pilipinas, Got Talent,” kung saan itinuring silang isang comic hosting team. Hindi po sila tie, kundi isang winner lang.

***

Well-loved talaga at super hit ang musical na Care Divas ng PETA (Philippine Educational Theater Association), kaya’t ibinabalik nila ito ngayong unang linggo ng Disyembre para tugunan ang kahilingan ng marami na nakabalita tungkol dito pero di pa ito napapanood.

Actually, limang araw lang ang pagtatanghal na gagawin nila na magsisimula ngayong December 1. Ang iba pang performances ay sa December 4 at 8 ng gabi (8 p.m.) at sa December 2 at 9 sa hapon (3 p.m.)

Tickets are P800 (VIP), P600 (regular) and P400 (students). For inquiries and tickets, contact (02) 7256244, (02) 4100821-22, 09175642433, petatheater@gmail.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply