Lumaki, lumakas, tumapang!

HABANG sinusulat ko ito ay umaalingawngaw sa lahat halos ng radyo ang drama ng paghahatid kay Gloria Macapagal-Arroyo sa  Veterans Memorial Medical Center (VMMC) galing sa St. Lukes

Hospital.

Sinundan ni Gloria Arroyo si Erap Estrada na noo’y Pangulo ng Pilipinas na nakaranas din ng ganitong pagtrato.

Kung napahiya si Erap noon at napapahiya si Gloria ngayon, dapat mahiya din tayo bilang mga Filipino.

Kung babalikan natin ang lahat ng akusasyon na kasalanan ni Gloria Arroyo sa bayan, mula sa Garci tapes, sa fertilizer scam, sa ZTE at sa iba pang ibinibintang nating lahat kay Gloria, maiintindihan natin kung saan nanggagaling ang panggigigil ni PNoy na makulong si GMA sampu ng kanyang mga kakutsaba.

Ang problema nga lang ay mahirap talaga sa sistema natin na mapananagot ang mga makapangyarihan. Pero sino ba ang nagluklok kay Gloria sa kapangyarihan? ‘Di ba ang botanteng Filipino?

Sabihin man na dinaya ni GMA ang eleksyon, hindi natin maikakaila ang suporta na nakuha nya sa mga botante kaya sya

lumaki ng ganyan, lumakas ng ganyan, tumapang ng ganyan.

Sana ay tingnan natin si Gloria Arroyo ngayon bilang isang katotohanan at isang pangyayari na tayo rin ang may gawa.
Si Gloria ay isang dambuhala, isang higante na tayo ang nagpalaki, tayo ang humubog.

Ang trahedyang nararanasan at isinasalarawan ni Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ngayon ay trahedya natin bilang mga

Filipino, bilang isang bansa.

Kaya sana ay hindi tayo basta manood na lang sa drama ng buhay niya at makinig na lang sa reklamo ng kampo ni Arroyo noong

umaasa pa sila na mabago pa sana ang desisyon ng korte na dalhin siya sa isang government hospital mula sa kanyang magarang silid sa pribadong ospital ng St. Lukes kung saan ang

kanyang kwarto ay nagkakahalaga ng tumataginting na P50,000 isang araw.

Huwag lang tayong manood at makiusyoso. Bagkus mag-isip tayo kung bakit naging ganito, bakit humantong sa ganito, bakit naulit pa ang trahedya ni Joseph Estrada.

May mas malalim na aral sa lahat ng ito higit sa aral ng kung paano mahuhusgahan ang isang dating makapangyarihang Filipino.

Ang aral ay kung paano hindi na maulit ang trahedya ni Erap at ang trahedya ni Gloria.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong

saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply