Luzon, Vis-Min magkakasunod na nilindol

TATLONG magkakasunod na lindol ang naranasan ng ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao kaninang madaling araw, Disyembre 29.

Base sa ulat ng Phivolcs, unang niyanig na may magnitude 4.3 at may layong 60 kilometro sa timog kanluran ang Manay, Davao Oriental dakong alas 12:27 kanina.

Sumunod na naitala ang pagyanig kaninang 1:39 na may lakas na magnitude 3.1 sa layong 17 kilometro ng timog kanluran ng Calatagan, Batangas.

Pinakahuli ay ang 3.5 magnitude sa layong 82 kilometro sa Borongan, Eastern Samar kaninang alas 2:16 ng madaling araw kung saan ito ang pinakamababaw na nasa 4 na kilometro lamang ang lalim sa karagatan.

Pawang mga tectonic ang origin ng mga lindol habang wala namang napaulat na nasaktan o napinsala sa naturang mga pagyanig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply