Maagang botohan sa RH bill haharangin

HAHARANGIN ng ilang kongresista ang panawagan na itigil na ang debate at sa halip ay pagbotohan na ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Sinabi ni House Assistant Minority Leader Mitos Magsaysay na hindi dapat madaliin ang proseso ng pagsasabatas ng RH bill dahil kailangan dito aniya ang matinding paninimbang upang matiyak kung sino ang mga benipisyaryto at kung ano ang epekto nito sa publiko.

Sa halip, ay iminungkahi ni Magsaysay na unahin ang maraming mahahalagang bagay gaya aniya ng P3 bilyon alokasyon ng panukalang ito sakaling maisabatas.

Sa kasalukuyan ay mahigit sa 20 mambabatas pa ang nakapila para sa interpelasyon ng RH bill.

Nitong Martes lamang ay nagkapikunan ang mga pro at anti-RH bill dahil sa pagharang na itigil ang debate at magbotohan na lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply