Maagang listahan ng ipapalit kay Corona inalmahan

INALMAHAN ngayon ng isang kongresista ang pangunguna ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa impeachment proceedings trial para kay Supreme Court Justice Renato Corona, gayung hindi pa naman nagsisimula ang pagdinig sa Senado.

Ang personal na panawagan ni San Juan Rep. JV Ejercito kay Pangulong Aquino ay huwag pangunahan ang impeachment proceedings.

Aniya, masyado pang maaga upang maglabas ng anumang pahayag at wala pa namang pinal na desisyon.

Ipinaalala pa ni JV na sa susunod na buwan pa o Enero ngayong dating na 2012 ang pormal na pagsisimula ng impeachment trial sa Senado.

Hindi aniya makabubuti na magpahanda na si Pangulong Aquino sa Judicial Bar Council (JBC) ng mga pangalan ng posibleng pagpipilian sakaling mapatalsik sa pwesto si Corona.

Sinang-ayunan naman ito ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay na kilalang kaalyado ng dating administrasyon at sinabi nitong premature ang pagpapalabas ng shortlists dahil wala pa namang nauumpisahang talakayin tungkol sa nasabing impeachment case.

Samantala, tiwala naman si House Deputy Speaker Erin Tañada na papabor sa article of  impeachment ang may 16 sa mga senador na siyang tatayong hukom sa impeachment trial.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply