Maalinsangang panahon asahan pa sa susunod na 3 araw

TATLONG araw pa umanong mararansan sa Metro Manila ang mainit na panahon kahit na may nagbabantang pag-ulan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bunga ito ng hangin sa silangang bahagi at hanging amihan.

“Medyo mainit sa Metro Manila. Ang temperature range ay 23 to 33 degrees Celsius. Inaasahan natin sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay iiral ang easterlies sa atin,” ayon kay PAGASA forecaster Sonny Pajarilla.

“Kapag pumasok ang easterlies palagi nating sinasabi ito ang warm and humid wind system kung saan mainit-init ang ating mararamdaman,” dagdag pa nito.

Samantala makakaranas ng frontal system ng kondisyon ng panahon ang dulong bahagi ng Luzon dulot ng pagsasalubong ng malamig na simoy ng amihan at mainit  na simoy naman sa silangang bahagi ng bansa  na siyang magdudulot ng pag-ulan.

Magiging maulap naman ang bahagi ng Mindanao na may kasamang ulan. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply