Macho actor na galing sa reality show tinanggihan ng papang masahista sa ‘churva’

DAHIL sa straight massage lang at walang extra service sa SPA na pinagtatrabahuan ng guwaping na masahista, nasanay na si Papang therapist na ‘yun at ‘yon ang gawin sa kanyang mga nagiging customer artista man o hindi. Pero dahil sa guwapo nga at magaling magmasahe marami talaga ang natutukso sa kanyang machismo. Isa na nga rito ay ang hindi naman kasikatang macho actor na galing sa isang Reality Show sa sikat na TV network. Bongga! Pagdating daw ni massage boy sa pad ni nasabing male celebrity hayun at naghubo’t hubad kaagad ito sa kanyang harapan at noong simulan na niya itong masahehin aba’y may pakagat-kagat labi pa ito at ungul nang ungol lalo na nang ipamasahe nito ang kanyang behind.

Ang da height, pati butas ng kanyang wetpu ay gusto nang ipa-finger kay Papa. Hahaha! Kalandi gyud! Hayun, dahil hindi siya gumagalaw at nagpapagamit sa bakla ay kaagad nitong tinanggihan si newcomer actor na ni sa guni-guni ay hindi inisip ni menchung na masahista na bading pala ito. Since then, sa tuwing tumatawag si gay actor para magpa-home service ay iniiwasan na siya ng lalaking hinarass-harass niya. Kinsa (Zino) si baklitang celebrity? Itanong nyo kay Big Brother.

***

Pag-usad ng kaso laban kay CGMA tatalakayin sa The Bottomline with Boy Abunda bukas

SA GITNA ng isyu ng “Oplan: Put the Little Girl to Sleep” at ng pagpabor ng Korte Suprema sa kontra mosyon ng kampo ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng pagdalo ng mga doktor nito sa oral argument ng SC, itatampok bukas (Disyembre 3) sa The Bottomline with Boy Abunda si Solicitor General Joel Cadiz upang bigyang linaw ang nasabing usapin at iba pang maiinit na kontrobersyang kinasasangkutan ng Department of Justice, at ng pamahalaang Aquino.

Kasama si King of Talk Boy Abunda, alamin ang kasalukyang estado ng kasong electoral sabotage na isinampa laban sa dating Pangulo at ang masasabi ng administrasyon sa intrigang bahagi lamang ang panggigipit kay CGMA ng paghihiganti ng pamahalaang Aquino dahil sa nakaraang naging desisyon ng SC kaugnay ng distribusyon ng stocks ng Hacienda Luisita.

Bakit nga ba ngayon lamang nagsampa ng kaso laban kay CGMA matapos ang isang taon mula nang expose? Patas ba ang ‘house arrest’ para sa rating Pangulo o dapat nitong sapitin ang pinagdaraanan ng mga ordinaryong akusado? Kaya ba talagang patunayan sa korte na nandaya si GMA nung 2007 elections?

Kasama ang mga estudyante mula sa De La Salle University at Far Eastern University at “bottomliners” na sina Nini Borja, Mike Lopez, Dr. Denis Ngo, Gibby Gorres, Xiao Chua, Atty. Ernest Maceda, at Atty. Sal Panelo; Tuklasin ang mga sagot ni SolGen Cadiz sa mga maiinit na tanong ng bayan sa 25th PMPC Star Awards for Television Best Public Affairs Program, The Bottomline with Boy Abunda, bukas ng 11:30  ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply