Mag-ama kinatay sa Camarines Sur

NASAWI ang mag-ama makaraan tadtarin ng saksak umano ng itinuturong suspek na barangay kagawad sa Brgy. Caluco, Tinambac, Camarines Sur.

Nabatid na basta na lamang umanong sinugod ng saksak ang mga biktima na sina Noli Estrelles at ang anak nitong si Joel ng suspek na si Melquiades Lozano.

Unang sinalakay ng suspek si Joel at nang akmang sasaklolohan ito ng amang si Noli, ito naman ang inundayan ng saksak.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima subalit binawian din ng buhay.

Patuloy ngayong tinutugis ng pulisya ang tumakas na suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply