Mag-ama magkasunod na kinatay ng kagawad

MAGKASUNOD na pinagsasaksak ng isang barangay kagawad ang mag-ama na kapwa hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sa Camarines Sur sa ulat ng pulisya kanina.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, sinalubong ng saksak ng suspek na kinilalang si Melquiades Lozano,  miyembro ng Sangguniang Pambarangay ng Barangay Caluco sa bayan ng Tinambac ang biktima.

Parehong nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na kinilalalang sina Noli Estrelles at ang anak na si Joel, ng nasabing lugar.

Nabatid na walang sabi-sabing sinugod ng saksak ng suspek na si Lozano ang binatang si Joel sa hindi malamang dahilan.

Sa puntong ito ay tangkang sumaklolo ang amang si Noli sa anak subalit sinalubong din siya ng saksak ng suspek.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima subalit kapawa wala nang buhay ang mga ito nang idating sa pagamutan.

Nakatakas naman ang suspek na target ngayon ng manhunt operation ng Camarines PNP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply