Mag-ama nasabugan ng paputok: anak dedo

PATAY ang isang menor de edad samantalang nalapnos ang katawan ng ama nito matapos masabugan ng paputok kagabi sa Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan.

Nagtamo ang mag-ama ng parehong 3rd degree burn subalit hindi ito kinaya ng anak kaya binawian ito ng buhay sa Norzagaray Municipal Hospital habang kasalukuyang nasa Intensive Care Unit naman ang amang si Noli Dimalanta.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ng isang tricycle ang mag-ama dala ang pinamiling mga paputok sa bayan ng Sta. Maria nang maganap aksidente.

Pinaniniwalaang mula sa tambutso ng tricycle ang naging mitsa ng pagsabog ng mga paputok.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply