Mga amo kinatay ng sinuba sa suweldo

NAGHIHIMAS rehas na bakal na ngayon ang isang hardinero nang saksakin ang kanyang mag-asawang amo sanhi ng hindi pagbayad ng suweldo sa kanya sa Negros Oriental, Lunes ng gabi (Disyembre 5).

Sasampahan ng 2 counts ng kasong homicide sa Siblan town court ang suspek na si Bernie Baroc, 29, dahil sa pagpatay sa mag-asawang sina Ambrosia Otosin at Tranquilino Rama.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas 5:45 ng hapon kahapon sa mismong bahay ng mag-asawa.

Bago ito, nabatid na hinihingi na ng suspek ang kanyang isang buwan na sahod pero ayaw ibigay umano ng mag-asawa.

Humantong ito sa pagtatalo hanggang sa kumuha ang suspek ng kutsilyo at sinaksak ang mag-asawa matapos siya umanong suntukin sa mukha ng lalaking biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply