Mag-inang paluwas ng Maynila nalunod

KAPWA nalunod ang isang mag-ina nang sagipin ng ginang ang kanyang nabitiwang anak at nahulog sa karagatan habang lulan ng barko sa Bacolod City nitong Biyernes ng hapon (Disyembre 9).

Nakaburol na ang mga bangkay ng mag-inang sina Michele Montalvo Tiamsing, 24, at ang anak nitong si Joemcelle, 2, sa kanilang bahay sa Ilog town, Bacolod City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente nitong Biyernes ng dakong alas-5:30 sa karagatan ng Banago Port, Bacolod City.

Bago ito, nabatid na lulan ang mag-ina sa barko ng St. Peter the Apostle na paluwas ng Maynila.

Ayon sa mga nakasaksi, pinayagan umano ni Montalvo ang kanyang anak na umupo sa may railings ng barko.

Pero dahil biglang inuga ng malakas na alon ang naturang barko ay nawalan ng balanse ang paslit kaya nahulog ito sa karagatan.

Dahil hindi malaman ang gagawin at sa kalituhan ay biglang tumalon si Montalvo sa karagatan upang sagipin ang kanyang nahulog na anak pero kapwa minalas na malunod.

Tinangka rin sagipin ng mga crew ng barko ang mag-ina pero sila ay nabigo dahil may kalakasan ang alon sa karagatan nang ikasa nila ang paghahanap sa mag-ina.

Hindi naman makapaniwala ang mga magulang ni Montalvo na isang suma cum laude sa kolehiyo sa sinapit ng kanilang anak at apo at sinabing hindi nila alam na luluwas ang mag-ina sa Maynila.

Hinala nila na sosorpresahin sila ng kanilang anak kaya binitbit nito ang anak para magdiwang ng Kapaskuhan sa kanilang bahay sa Maynila.

Kaugnay nito, lumalabas na walang kakulangan sa naturang insidente ang management ng shipping lines sa nangyaring insidente pero gayunpaman ay magbibigay pa rin sila ng insurance para sa mag-ina. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply