Magbobote patay sa grupo ng tripper

TIGOK ang isang magbobote, habang kritikal ang kasama nito matapos pagtripan ng hindi pa nakikilalang grupo ng kalalakihan habang ang mga una ay naghahanap ng makakainan sa Valenzuela City kaninang madaling-araw.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Nico Capile, 18 ng Molina St., Viente Reales, nasabing lungsod.

Inobserbahan naman sa nasabing ospital sanhi ng saksak sa likod si Ruben Menije, 28 at kapitbahay ng namatay.

Batay sa ulat, alas-2 ng madaling-araw, naglalakad ang mga biktima sa C. Santos St., Malinta upang maghanap ng makakainan nang lapitan sila ng mga suspek.

Dito ay walang salitang inupakan ng mga suspek ang mga biktima na nanlaban hanggang sa pagsasasakin ng mga una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa VGH ang mga biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply