Magkapatid sinaksak ng magkapatid

NAUWI sa madugong saksakan ang masayang inuman ng magkakapatid nang magkapikunan kagabi (Disyembre 12) sa Bitoon Ilawood, Cuartero, Capiz.

Sugatan ang  magkakapatid na Tomas at Raymundo Prado matapos pagtulungan saksakin  ng magkapatid  na sina Joel at Arman Ferrer ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon  lumalabas  na inimbitahan ng biktimang si Tomas ang magkapatid na pawang kaibigan nito na sina Joel at Arman para makipag-inuman sa kanilang bahay.

Ngunit nang malasing na sa  alak ay hindi na napigil ang pagbibitiw ng mga masasakit  na salita ng  magkapatid na Prado dahilan upang pagsasaksakin ang mga ito ng magkapatid na Ferrer.

Sugat sa tiyan at kamay ang tama ng mga biktima habang may mga konting galos at sugat din ang mga suspek matapos ang engkwentro.

Ang magkapatid na Ferrer ay kapwa naka-detine ngayon sa Cuartero Police Station at sasampahan ng kaukulang kaso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply