Magsasaka natusta nang buhay sa kidlat

NASUNOG nang buhay ang isang magsasaka habang sugatan naman ang isa pa matapos na tamaan ng kidlat sa Cagayan de Oro City Huwebes ng umaga.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktimang si Boyet Mensig, 30-anyos pero namatay din ito habang nilalapatan ng lunas sanhi ng pagkasunog ng buong katawan.

Sugatan naman si Virginia Mondesar, 32-anyos, kapwa residente ng Sitio Palalan, Barangay Tablon, CDO.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa isang taniman ng mais sa nasabing barangay.

Bago ito, nabatid na nagtatanim ng mais ang mga biktima sa kanilang lupain nang biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasabay na mga pagkidlat.

Sa takot tamaan, sumilong ang mga biktima sa isang barong-barong ngunit sa kamalasan ay ito ang tinamaan ng naturang kidlat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply