Magsasaka nilikida sa CamSur

DEAD on the spot ang isang magsasaka matapos itong paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa lalawigan ng Camarines Sur, base sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Danilo Manjares, 38, ng Zone 5, Barangay Salvacion, bayan ng Ragay.

Ayon kay Ragay PNP chief P/SrInsp. Samuel Alforte, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang maganap ang pananambang.

Pataksil umanong nilapitan ng isa sa mga salarin si Manjares at pinagbabaril ng ilang ulit hanggang sa duguang bumagsaka at malagutan ng hininga.

Bukod sa isang tama sa batok, hindi pa matukoy sa ngayon ang kabuuang bilang ng balang tumama naman sa katawan nito.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang background check sa biktima upang malaman ang posibleng motibo sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply