Magsasaka kinatay sa Misamis O.

TADTAD ng taga sa katawan nang makita ang bangkay ng isang magsasaka sa lungsod ng Gingoog sa lalawigan ng Misamis Oriental.

Ang biktimang ay kinilalang si Ariel Manzano, 23, residente ng Brgy Lunao sa naturang lungsod.

Base sa imbestigasyon ng Gingoog City PNP, umalis umano ang biktima patungo sa kanilang sakahan noong ika-3 ng Disyembre subalit hindi na ito umuwi sa kanila. Ikinabahala ito ng kanyang mga kaanak.

Dahil sa pangyayari ay nagpasya ang mga kaanak na hanapin ang biktima at nakita na lamang itong nakalibing sa isang mababaw na hukay at tadtad ng sugat ang katawan na ginamitan umano ng itak.

Samantala, patuloy ang ginagawang pag-iimbestiga ng pulisya dahil hanggang sa ngayon ay blangko pa rin sila sa pagkakakilanlan ng salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply