Mahigit 300 kilo ng frozen meat nakumpiska sa Maynila

NASABAT ang mahigit sa 300 kilo ng imported na frozen na karne ng baboy sa Paco Market sa Maynila Huwebes ng madaling-araw.

Nabatid sa mga kinauukulan na hindi na ligtas kainin ang mga nakumpiskang karne dahil hindi napanatili ang temperatura ng mga ito.

Ayon pa sa mga awtoridad, marumi ang mga lalagyan ng karne at hindi maayos ang paraan ng paglilipat sa mga ito, na maaaring magdulot ng sakit.

Umalma naman ang ilang tindero dahil anila, hindi naman daw sila naabisuhan ukol dito.

Anila, dapat na kinukumpiska ay ang mga galing sa pier at hindi ang maliliit na namumuhunang kagaya nila.

Iginiit naman ng mga awtorida na walang katiyakan na hindi na magdudulot ng sakit ang mga nasabat na karne kapag naluto ng maayos.

Pinayuhan rin ng mga awtoridad na mag-ingat ang mga mamimili sa pagpili ng mga produktoing ihahanda para sa Media Noche.

Samantala, tutunawin naman ang mga nasabat na karne.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply