Mahigit P2-M tanim na marijuana nadiskubre sa Benguet

WINASAK ng mga awtoridad ang mga nadiskubreng marijuana plants na nagkakahalaga ng P2,182,400 sa tatlong magkakahiwalay na taniman sa Kapangan, Benguet.

Ayon sa Benguet Provincial Police Office (BPPO), ang pagwasak sa mga iligal na halaman ay pinangunahan ng Kapangan PNP at Provincial Public Safety Company (PPSC).

Kabilang sa mga winasak ay ang marijuana seedlings at mga full grown marijuana.

Unang natuklasan ng mga awtoridad ang 2,200 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P440,000 sa 100 square meters na lupain sa Sitio Magsad, Gandap, Kapangan, Benguet habang sunod namang nadiskubre ang 2,200 na isang buwan pa lang na marijuana seedlings at nagkakahalaga ng P88,000 sa isa ring 100 square meters na taniman sa nabanggit na lugar.

Nadiskubre naman ang 17,000 na marijuana seedlings na nakatanim sa 800 sq. meters na lupain sa Sitio Gungigong na nagkakahalaga ng P774,400.

Maliban dito, natuklasan rin sa nabanggit na taniman ang P880,000 halaga ng 4,400 fully grown marijuana na nakatanim sa 200 sq. meters na lupain.

Ang pagkakadiskubre ng Police Regional Office-Cordillera sa mga nasabing taniman ay matapos na magsagawa ng barangay visitation at internal security operation sa nasabing bayan.

Inginuso ng isang residente sa mga kinauukulan ang lugar kung saan matatagpuan ang mga naturang taniman.

Inaalam na ng awtoridad kung sino ang mga may-ari ng malaking lupain na taniman ng iligal na halaman.

Kaugnay nito, umaapela ang mga awtoridad sa mga mamamayan ng Cordillera na makiisa sa patuloy na kampanya para puksain ang marijuana.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply