Mahika ni Bata Reyes muling gumana

MAY bisa pa rin ang mahika ni Philippine billiards icon Efren “Bata” Reyes matapos maghari sa Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face Off Series Biyernes ng gabi (Disyembre 30) na ginanap sa Pagcor Airport Casino sa Parañaque City.

Iwinasiwas ng 57-anyos na si Reyes si Wu Jia Qiang (formerly Wu Chia-ching mula Chinese-Taipei), 9-6.

Ang 2005 WPA World 9-Ball Champion at 2005 WPA World 8-Ball Champion na si Wu Chia-ching ay kinakatawan na ang Mainland China tangan ang bagong pangalanan na Wu Jia Qing.

Matamis ang pagkapanalo ng Pampanga cue master na si Reyes, dahil dinaig siya ni Wu sa kanilang quarter-final encounter sa 11th Predator International 10-Ball Championship nitong Setyembre sa Robinsons Galleria Mall sa Ortigas.

“I hope to play with him again as it’s really exciting going up against one of the world’s best cue artists.” turan ni Reyes patungkol kay Wu.

Bilang nagwagi, nakapagbulsa ng $5,000 si Reyes habang nagkasya naman si Wu sa $2,500 sa race-to-9, winner’s break format.

Muling magpapatuloy ang PBB Face Off Series sa Pebrero 18, 2012 na may bagong format.

Inilinya ng organizing committee ang bakbakan sa pagitan ng Philippines versus The Rest of Asia, Asia versus Europe at East versus West.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply