Maj. Agcaoili umaksyon

KAAGAD umaksiyon si C/Insp. Jay Agcaoili sa matagal nang idinadaing ng mga residente ng Lipa City, Batangas na iligal na sugalan.

Anila, matagal na nilang inirereklamo sa kinauukulan ang lantarang operasyon ng
iligal na sugalan ngunit hindi inaaksiyunan.

Isinumbong na raw ito kay Mayor Meynardo Sabili, hepe na si C/Insp. Maharlika
Villasis at sa police provincial command.

Pero, walang nangyayari dahil ang kanilang sumbong ay pumasok lang sa isang tenga at lumabas sa kabila nilang tenga

Base sa kanilang sumbong, tinalakay din natin sa Chokepoint na akala mo’y lIgal na
ang operasyon ng mga sugalan sa Lipa City.

At napatunayan din nga natin ang kawalan ng ak-siyon ng kinauukulan – lalo na sina Mayor Sabili at Maj. Villasis.

Ang kanilang ‘di pag-aksiyunan sa karaingan ng mga residente ay nag-iwan ng
masalimuot na pagdududa sa ating isipan.

Mabuti na lamang at may isang C/Insp. Jay Agcaoili na pumuno sa pagkukulang ng mga ng mga tinatawag nating public servant.

Kamakailan lang itinalaga si Maj. Agcaoli bilang bagong Criminal Investigation and Detection Group – Batangas chief.

Kaya nang mapag-alaman natin na siya ang CIDG sa lalawigan, kaagad tayong nakipag-ugnayan sa magaling na CIDG offical.

Oras lang ang lumipas, kaagad ay nakatanggap ako ng magandang ulat mula sa mga nagsusumbong na residente ng Lipa City.

At masaya nilang ibinalita na – sa unang pagkakataon – nasaksihan nila ang isang police operation laban sa mga iligal na sugalan.

Nabatid ko rin na ang itinawag sa Chokepoint na police operation ay isinagawa ng CIDG operatives sa ilalim ni Maj. Agcaoili.

Limang tauhan ng STL-con jueteng lord na si Jay Ilagan ay nasakote, bukod pa sa 4 na motor na ginagamit sa gambling operations.

Labis-labis ang katuwaan natin dahil  sa isang iglap ay kaagad umaaksiyon si Maj. Agcaoli sa mga sumbong ng mamamayan.

Sa mabilis na aksiyon ng butihing CIDG official ay bumango – kahit man lang sa mga taga-Lipa – ang pambansang kapulisan.

Siyempre, saludo tayo kay Director Sammy Pagdilao dahil malaki ang naiaambag ng kanyang  liderato sa umaangat na imahe ng PNP.

Sayang nga lamang at ‘di siya ang napiling maging PNP chief.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply