Malakanyang handa na sa pagsipa kay Corona

HANDA na si Pangulong Benigno Aquino III na tuluyang sipain sa puwesto si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nauna nang binigyan ng direktiba ng Chief Executive ang kanyang legal team na simulan ang paghahanap ng mga posibleng ipapalit kay Corona.

Aniya, wala naman silang nakikitang problema o legal issue sa kautusan ni Pangulong Aquino.

Sinabi pa rin niya na naghahanda lamang sila ng contingency sakaling matuluyan si Corona sa Senado.

Kapag may napili nang mga pangalan ang legal team, maaari umanong isumite ito sa Judicial and Bar Council (JBC) na karaniwang nagko-convene kapag may vacancy sa Supreme Court.

“They’re not convening for a possible chief justice replacement yet. They are not. Let me be clear, JBC is not—JBC is independent from the Executive Branch in terms of their workings. It’s a constitutional—I don’t know if you can call it a constitutional body but it is found in the Constitution that they will be the screening committee for the justices in the Supreme Court and some other constitutional officers. But very clearly, the President did not instruct the JBC, the President instructed his legal advisers in case that there will be a removal of a Chief Justice to look for a Chief Justice but there is still yet—let me clarify, there is still no shortlist yet,” diing pahayag ni Sec.  Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply