Malakanyang oks sa panukalang total ban sa paputok

INIHAYAG ng Malakayang na bukas sila sa panukalang tuluyan nang ipagbabawal ang mga paputok.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, na kanila munang pag-aaralan ang parameters ng nasabing panukala, sabay sabi na Kongreso na ang bahala kung magpapasa ito ng panukala na tuluyang magbabawal sa paggawa at pagbebenta ng mga paputok sa bansa.

Ang tugon ng Malakanyang ay matapos ang report na patuloy ang pagprodyus at bentahan ng mga iligal na paputok sa pamilihan.

Nagpayo rin ang malakanyang na sundin ang Department of Health (DOH) upang maiwasan ang disgrasya sa pagsalubong sa Bagong Taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply