Malakanyang sa OFWs: ‘Ituloy ang pagre-remit’

HINIKAYAT ng Malakanyang ang overseas Filipino workers (OFWs) na patuloy na mag-remit sa pamahalaan dahil malaking tulong ang pera nila para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG).

Sa katunayan, ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na importante ang remittances ng OFWs dahil dito hinuhugot ang mga benepisyong ibinibigay sa SSS members.

“Sana huwag naman po yung ganun mangyari dahil importante, ine-encourage nga natin ang OFWs na mag-remit po para malalaking tulong din po kasi ang SSS para ho sa kanila, yung benefits na nakukuha, at sana po huwag naman po silang ma-discourage na mag-remit ng kanilang contributions,” anito

Sa kabilang dako, kailangang magpaliwanag  ni Commissioner Kim Henares sa publiko at sa OFWs kung bakit kailangang buwisan ang SSS at Pag-IBIG lalo na’t pumalag at hindi nagustuhan ni Vice-President Jejomar Binay ang bagay na ito.

“Siguro po dapat mas ma-explain lang ng mabuti, siguro kailangan pong magkaroon siguro sila ngpag-uusap kung ano po  ito,” ayon kay Usec. Valte sabay sabing “I believe the president of Pag-IBIg also expressed reservations, this is something that they will have to discuss para ho makita natin kung ano pa ho yung puwedeng gawin, or kung ano pa ho yung puwedeng gawin. That will be up to the BIR.”

Nakiusap naman si Usec. Valte sa publiko na huwag nang magalit kay Commissioner Henares sa napaulat na planong pagbubuwis sa SSS at Pag-ibig members dahil  ginagawa lang nito ang kanyang trabaho.

Samantala, nakiusap din ang nasabing opisyal sa  mga miyembro ng media na pumalag sa nasabing hakbang ng BIR na huwag mag-alala dahil balak pa lamang naman ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply