Malaking mall sa Cebu nasunog

NATUPOK ng apoy ang malaking mall sa Gaisano South Capital na nasa panulukan ng Colon Leon Kilat St., Barangay Kalubihan, Cebu City kaninang madaling-araw.

Unang natanggap ang alarma ng sunog ng Cebu City Bureau of Fire Protection alas-12:45 ng madaling araw.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nakataas na ang naturang sunog sa task force alpha kung saan may 30 trak ng bumbero na ang rumerespunde.

Pahirapan din ang pagpasok ng mga bombero dahil sa kapal ng usok na galing sa bodega ng mall.

Nagpadagdag din dito ang kakulangan sa breathing apparatus ng mga bombero kung kaya’t nahirapan silang maka-penetrate sa nasusunog na mall.

Pilit ding naghahanap ng paraan ang mga bombero upang maapula ang apoy na kumalat na hanggang 4th floor.

Una nang sinabi ng gwardiya ng Gaisano na may narinig itong malakas na pagsabog sa loob ng bodega na sinundan ng paglabas ng makapal na usok.

Nakatakda sanang magkaroon ng midnight sale ang nabanggit na mall kagabi kaugnay ng Pasko at Bagong Taon na pag-aari ni Henry Gaisano.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply