Malayo ma’y malapit din

MALAYO man sa distansya ay parang malapit pa rin sa bansang kanyang pinagmulan si Amelita Ruiz – isang DH sa bansang Malaysia.

Ang bansang Malaysia ay maituturing na isa sa pinakamalapit na bansa sa Pilipinas.

Matatagpuan ito sa gawing Timog ng ating bansa.

Sa bansang ito dinala ng kapalaran ang Filipina na si Amelita.

Tubong Southern Leyte siya. Mahirap ang buhay sa lugar na kinalakhan niya.

Mahirap makahanap ng trabaho at hindi madali ang buhay kung kaya’t nang magkaroon ng oportunidad na magtrabaho sa ibang lugar, bagama’t malayo ay hindi na ito pinalampas ni Amelita.

“’Yung buhay ko noon simple lang. Pagkatapos kong mag-aral, mahirap ang trabaho, tapos nung mayroong project dun sa go-vernment may nagha-hire doon, nagpa-interview ako ayun pumuntang Maynila, tapos ayun dito,” kuwento ni Amelita.

Mula sa isang proyekto ng DOLE sa kanilang lugar ay naging posible para kay Amelita na makarating sa Malaysia, upang doon magtrabaho bilang isang domestic helper, sapagkat wala siyang mahanap na trabaho sa kanilang lugar noong mga panahon na iyon.

“Noon walang trabaho, may nagha-hire ng mga mag-abroad so ayun nag-abroad ako,” aniya.

Nang makarating sa Malaysia ay hindi naging hadlang para kay Amelita ang mag-adjust sa kultura roon at maging sa pamumuhay roon.

Katuwang ang ibang Pinay na nagtungo rin doon upang magbanat ng buto ay hinarap nila ang isang bagong mundo sa isang bansa na bagama’t malapit sa atin ay maituturing pa ring isang banyaga.

Naglingkod si Amelita sa isang pamilya ng Intsik sa nasabing bansa at dahil sa galing sa pakikiangkop at  pakikisalamuha sa kapwa at sa likas na sipag niya ay naging mabait at kinagiliwan siya ng mga ito. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply