‘Malinis na konsensiya’ ni GMA ‘di feel ni Ping

HINDI katanggap-tanggap ang naging pahayag ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na malinis ang kanyang konsensiya at hinusgahan lang daw kaagad siya ng kasalukuyang administrasyon.

Ito ang naging reaksyon ni Senador Panfilo Lacson, na agad ipinamukha sa dating pangulo kung bakit wala siyang karapatang sabihin na malinis ang kanyang konsensiya.

Ayon sa senador, dapat sabihin ng dating Pangulo na malinis ang kanyang konsensiya sa mga alipoores nito na napatunayang sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian na nangyari sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Giit ni Lacson kina dating comelec commissioner Virgilio Garcilliano, dating comelec chairman Ben Abalos, dating agriculture undersec Jojcjoc Bolante, at sa ZTE sabihin ng dating pangulo na malinis ang kanyang konsensya at tiyak umanong aayon ang mga ito sa kanya.

Para naman kay Senador Francis Pangilinan, kasalanan ni dating pangulong Arroyo kung ano man ang nangyayari sa kanya ngayon.

Aniya, siya ang sumira ng kanyang pangalan at reputasyon bago pa man umupo sa puwesto si Pangulong Noynoy Aquino.

“Sinasabi niya na puro ‘paninirang-puri’ ang ginagawa ng administrasyon, pero hindi ba siya naman ang sumira sa sarili niyang pangalan at ‘puri’?” diin ni Pangilinan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply