Malungkot na Pasko

PASKO na naman, pero, tila hindi ko madama ang tunay na kahulugan nito. ‘Di tulad nang nakaraang mga taon,  naramdaman ko ang saya.

Sabi nga ng aking isang kaibigan, matanda na raw ako kaya ‘di ko maramdaman ang Pasko.
Eh, ano naman ang kinalaman ng pagtanda sa Pasko.

Pero sa seryosong usapan – sa totoo lang – iba na talaga ang panahon ngayon. Pahirap ng pahirap sina Juan at Maria dela Cruz.

Pakiwari ko ba eh, sa tuwing magpapalit ang taon, umuunti at unti-unting nauubos ang natitira kong saya sa isipan at katawan.

‘Di kasi tulad dati, nagsisimula pa lamang ang ‘Ber’ ay masisilaw ka na ng iba’t ibang uri ng liwanag ng mga parol at Christmas lights.

Ang mga awiting Pasko ay pinatutugtog na kahit saan, ga-nundin sa mga radio station ay maririnig na rin sa mga kapitbahayan.

‘Di tulad ngayon, walang masilayang mga liwanag ng parol at Christmas lights at tugtog ng mga masasayang awitin ng Pasko.

Kung mayron man, ito’y sa iilan na lugar lamang.

Napakalungkot isipin ang masayang nakalipas ng nakaraang mga taon kapag sumasapit ang kapanganakan ni Jesus Christ.

Pero ano ang magagawa natin kung ito na talaga ang nangyayari sa Pinas? Tumitindi ang lungkot dahil sa sobrang kahirapan.

Aminin natin na kaya wala tayong masilayang maraming parol at kumukutitap na christmas lights ay dahil sa kahirapan.

Dahil kung noon ay nakabibili tayo ng mga parol at Christmas light kapag Pasko, ngayo’y ‘di na natin magawa.

Kung sabagay, uunahin pa ba natin ang mga parol at pailaw kaysa sa pangunahin nating panganagailangan sa buhay – tulad ng pagkain?

Pero may pakunsuwelo naman ang kaibigan kong nagsabi sa akin na matanda na raw ako kaya ‘di ko na nararamdaman ang saya ng Pasko.

Habang nabubuhay – ika niya – h’wag mawawalan ng pag-asa. Tumpak!

PERWISYONG CARGO FIRM

Ang A ONE A CARGO, na may address na Km 16 RSTI Compound Pamplona I, Las Piñas ay ‘di raw Express Delivery ang motto kundi Tiis Delivery! Aba’y mantakin mo, Hunyo 2011 pa ipinadala ni Leah Medina ang 4 na balikbayan box dito sa Pinas pero ‘di pa raw natatanggap ng receiver na taga Sta. Cruz Manila.

Dapat sigurong palitan na ang pangalan ng kanilang negosyo. Mas magandang itawag sa kanila ay EWAN EWAN CARGO. Kung meron pang nagbabalak na subukan ang kanilang serbisyo ay mag-isip-isip muna kayo. Kung sa isang taon pa kailangan ng padadalhan mo ang package ay dito na kayo pumunta. Bukod kasi sa matagal ay nakasisiguro kang baka hindi na dumating ang package mo. Naku po!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply