Mandatory repatriation sa Syria iniutos ng DFA

NAKATAAS na sa alert 4 ang krisis sa Syria dahil sa patuloy na kaguluhan ayon sa pagkumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na umiiral na ang mandatory repatriation para sa lahat ng mga Filipino na nakabase sa Syria.

Kasabay nito, inatasan na rin ni del Rosario si Executive Director for Migrant Workers Affairs, Ambassador Ricardo Endaya na kaagad magtungo ng Syria para personal na matutukan ang gagawing paglikas sa mga kababayan.

Sa ilalim ng Alert Level 4, aakuin ng gobyerno ang lahat ng gastos sa pagpapauwi sa mga kababayan.

Pinayuhan naman ng DFA ang mga Filipino sa Syria na manatiling magmonitor sa sitwasyon sa nasabing bansa at makipag-ugnayan sa embahada at kanilang mga community coordinators.

Mayroong 5,000 Pinoy ang nakarehistro sa Philippine Embassy na nasa Damascus.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply