Mandurugas, impeachment at nawawalang bonus

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga mambabasa na ilahad ang kanilang mga damdamin, pananaw at karanasan ukol sa mga nagaganap sa ating bayan at sa kanilang buhay.

WALANG BONUS SA MAYNILA

Good pm po. Isa po akong empleyado ng Maynila.

Hanggang ngayon po ay wala pang ibinibigay sa amin si Mayor Lim na katulad ng ibinibigay ni PNoy na P10,000.

Last year din ay wala. Sana, may mag-audit sa opisina ni Mayor Lim ukol dito. Pati GSIS, wala ring remittance. Dalawang taon na kaming nagtitiis sa kawalan ng ibinibigay sa amin. Salamat po.  +63922596….

DIFFERENTIAL AT INCREASE WALA

Good pm po. Hihingi po sana ako ng tulong ukol sa aking pensyon. Ayaw ibigay ng Finance Department ang differential at increase noong 2010. Dumating po ang 2011, hindi pa rin ibinibigay.

Maawa naman kayo sa amin na magpa-Pasko nang wala halos kahit pagkain. Umaasa akong matulungan ninyo kami at tawagin niyo na lang akong “Alice.” Salamat po. +63939858….

(Sagot: Hindi po malinaw kung anong ahensya kayo dapat na makipag-ugnayan ukol sa inyong problema ngunit mainam na sumulat kayo sa kinauukulang ahensya para malinawan ang inyong problema.)

MANDURUGAS SA KALAMIDAD

Nabasa ko ngayon sa inyong kolum ang ukol sa ligal na mandurugas.

Totoo yan. Dito sa Legaspi, nangyari yan sa akin noong bagyong Reming.

Mahirap lang ako at dayo rito ang pamilya ko. Buti na lang kahit paano ay nakararaos kami sa araw-araw sa panahon na iyon.  +63919304….

CHIEF JUSTICE IUPO NG IBP

Ako po si Antonio Garcia ng San Fernando, Pampanga. Bakit hindi na lang po ibigay sa Integrated Bar of the Philippines at iba pang attorneys association ang pagtatalaga ng justices sa Supreme Court para walang utang na loob sa kung sino mang Presidenteng nakaupo? +63908310…

ILIGAL NA BENTAHAN NG TAMBAN

Good pm, Kuya Benny. Dito sa Marikina City, lantaran ang pagbebenta ng tamban na ipinagbabawal na hulihin ngayong taglamig. Bagsak ang presyo nila. +63928693…

25 TAONG SIRANG KALSADA

Sir, puwede po bang iparating niyo sa Presidente ng Pilipinas ang problema namin dito sa Barangay Malolos, Barili, Cebu?

Ang problema po namin dito ay ang kalsada namin. 8- anyos pa po ako noon pero hanggang ngayon ay wala talaga silang ginawa. 33-anyos na po ako ngayon. Salamat po. +63923620….

KONTRA SA DAGDAG SA SCHOOL

Sana screening examination na lang para sa mga estudyante  ang  ipatupad sa halip na dagdag na dalawang taon sa pag-aaral. ‘Yung mga hindi na lang papasa ang mag-ulit mag-aral. Unfair sa mga deserving student ang patakarang yan. +63910350….

PABOR SA IMPEACH  VERSUS CORONA

Dapat lang na ma-impeach si Corona kung nasabi niya na diktador si PNoy dahil yung bintang niya kay PNoy ay dinanas niya kay GMA!

Inililigtas niya ang sarili niya sa paggamit sa institusyon at pag-impluwensiya sa iba para ipagtanggol siya! Natural lang na mag-appoint si PNoy ng chief justice. Dahil si GMA ay nag-appoint din ng gusto niya.

Siya ang nagpapagulo sa institusyon, dapat siyang ma-impeach! Hindi na mangmang ang mamamayan para bolahin niya! Isa siyang midnight appointee.

Ibig sabihin iligal ang pagkaka-appoint sa kanya.

Bakit niya pa rin tinanggap?

Huwag niyang gamitin ang institusyon para iligtas niya ang sarili niya na siyang nagpapagulo!

Malinaw na mali ang proseso ng pagka-appoint sa kanya ni GMA!

Kung talagang totoo na gusto niyang iligtas niya ang institusyon, umalis siya sa institusyon!
Dapat magkaroon ng malaking rally para ipakita ang suporta sa impeachment! Wag niyang kalimutan na si PNoy ay may mandato ng mamamayan.

Si Corona ay appointed lang ni GMA na kuwestiyonable rin sa naging posisyon! PNoy has the peoples mandate while corona has GMA’s annointment who is now behind hospitals concrete walls!

Calling all justices, lawyers and the IBP, lets all save the institution not the appointed one!

In recent news, Mr. Corona said to a PAO meeting “bear with me, stand with me.

He is clearly saving his position not the institution!  Honorable man of the IBP, lawyers, justices let us save the institution if Mr. Corona wants to prove himself right then prove it in the impeachment. Logically you are not the institution, you are the appointed man in the institution.

Give others their chances in the institution! +63947427….

PANGAKO SA TAUMBAYAN

Good am po, sir Benny. Sana pagtuunan na lang ng pansin ng Pangulo yung mga pangako niya na tulong sa taumbayan, hindi yong nakikipagpalitan siya ng maaanghang na salita kay CJ Corona. +639197816290

WALANG BONUS SA MAKATI

Good am po. Empleyado po kami ng Makati City goverment. Noon ay panahon ni Arroyo, ngayon ay kay Aquino. Ngunit wala namang ibinibigay na P10,000 sa mga empleyado. Pati po productivity pay namin dito sa Makati sa more than 10 years ay hindi rin ibinibigay sa amin. Ang clothing allowance for this year ay wala rin po.
Huwag niyo po sanang i-publish ang CP no. ko. Thanks  po. More power! +63920530….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply