Mandurukot, snatcher sa Divisoria, Quiapo grabe

GRABE ang  pandurukot at isnatsing sa Divisoria, Quiapo at Sta. Cruz na pawang nasa lungsod ni Mayor Fred Lim.

Nasasaksihan mismo ito ng ating mga kakilala na pumupunta sa mga lugar na ito para bumili ng mga bagay-bagay na Pamasko.

Mga bata at may mga edad ang gumagawa nito.

oOo

Siksikan ang mga tao na kinabibilangan ng mga mamimili, suplayer ng mga paninda at vendor ng kung ano-ano sa mga lugar na ito dahil Kapaskuhan na.

Dahil dito, hindi na napupuna ang mga isnatsing at pandurukot.

May islaysan pa ng mga bag at bulsa.

Marami talaga ang nabibiktima at hindi na nagre-report ang mga ito sa mga pulis dahil wala namang nangyayari.

Alam ng mga biktima na napipiyansahan ang mga krimeng ito.

At kung bata na edad pang-elementari at haiskul ang mga gumagawa, hindi naman pupuwedeng ipakulong.

Sa nakikita  ng ating mga kakilala, may mga bata na nahuhuli ngunit pinipilipit na lang ang mga kamay ng mga ito hanggang sa mabali.

oOo

Mga selpon, pera at alahas ang nakukulimbat ng mga ito, Suki.

‘Yung mga mamahalin na selpon, inaalok na lang kung saan-saan ng P2,000 o kaya’y P400 kung tumawad ka.

Inaalok din kaagad ang mga alahas kung saan-saan.

Oo nga pala, may mga baklas-sayd miror din sa mga nakaparadang sasakyan.

Iba pa ang mga nagsusukli ng sobrang kulang at matatapang ang mga ito kung magreklamo ka at nagaganap ito sa mga vendor sa bangketa.

Nasaan ang mga pulis? Wala sila dahil bawal silang mamasko.

Pero kuwidaw ka, sikret ang kita nila sa kotong sa mga vendor, isnatser at mandurukot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply