Manhunt ikinasa vs. bumaril sa COS ni Calixto

IKINASA na ng Pasay City Police ang malawakang manhunt laban sa suspek na bumariul at malubhang nakasugat sa chief of staff ni Pasay City Mayor Antonino Calixto.

Samantala nagpapagaling na ngayon sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Albert Paredes matapos paputukan ng hindi kilalang suspek sa kanilang bahay sa Aurora Tolentino st. sa Pasay City kagabi (Disyembre 23).

Sa ngayon ay hindi naman isinasantabi ng pulisya na posibleng may kinalaman ang krimen sa  trabaho ng biktima na naging mahigpit sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin.

Bukod dito, bine-berika na rin ng mga awtoridad ang impormasyon na maaring may kinalaman ang pagbaril sa biktima hinggil sa paglaban nito sa mga drug gang sa lungsod.

Inatasan ni Calixto si Criminal Investigation and Detective Management Section Chief Joey Goforth na bumuo ng isang task force na tututok para sa agarang pagdakip sa armadong suspek na bumaril sa bikitima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply