Manila Police District at health department inutil

MARAHIL ay magugulat kayo kapag nalaman ninyo na ang inyong mga nabibiling pagkain sa bangketa ay walang katiyakan kung  ito ay malinis.

Sa pag-iikot ng Lily’s Files sa Kamaynilaan ay ating nakita  ang kaliwa’t kanang mga panindang pagkain lalo na sa mga matataong lugar na tulad ng Divisoria, Plaza Miranda sa Quiapo at iba’t ibang mga palengke.

Minsan ay  pinagmasdan kong maigi ang mga nagtitinda ng mga makakain sa bangketa lalo na sa Divisoria at Quiapo, at dito ay nakita ko kung gaano karumi ang mga  ito.

Isang lalaki na nagtitinda ng mga pagkain diyan sa may Plaza Miranda, Quiapo sa harap ng isang malaking botika ang kitang-kita ng aking dalawang mata kung pa-ano niya tuhugin ang mga bituka ng manok habang nagkakamot ng kanyang mga galis sa paa.

Sa dami ng mga pulis na nakakalat sa Plaza Miranda lalo na kapag araw ng Biyernes ay imposibleng hindi nila makita ang  ganitong tanawin o sadyang nagbubulag-bulagan lang ang mga tauhan nitong si P/Insp. Joselito Dawat Von Possel na may police station mismo ilang dipa lang ang layo.

Sabagay sa laki ba naman ng ibinibigay araw-araw ng mga vendor na ito sa mag-ina na collector na sina Julieta at Regie, natural hindi na kikibo ang mga pulis lalo at nakikinabang naman sila.

Nakikinabang din kaya dito ang Manila Health Department?

Nagtatanong lang po, dahil ayon sa mga vendor wala silang binabayarang health permit galing ng Manila City Hall.

PARA sa inyong rek-lamo, suhestiyon at komento ay mag text lang sa 0915-5683000 o kaya ay mag-email sa lily_reyes13@yahoo.com..

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply