Margarito ‘di maka-move on sa pagkatalo kay Cotto

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin matanggap ni former welterweight champion Antonio Margarito ang pagkatalo sa rematch nila ni WBA super welterweight champion Miguel Cotto.

Tinalo ng Puerto Rican champion ang Mexican challenger sa pamamagitan ng tenth round technical knockout.

Mismong ang mga doktor ng New York State Athletic Commission ang nagdesisyong ihinto na ang laban dahil sa malaking sugat ni Margarito sa kanang mata.

Ang naturang sugat ay nag-iwan ng 12 stitches.

Pero ayon kay Margarito, kung pinagbigyan lamang ng doktor ang kanyang kahilingan na lumaban pa ng isang round, malaki umano ang tsansa na matatalo nito si Cotto.

“The doctor asked me three times. I responded correctly. I asked for at least one more round,” giit ni Margarito.

Maalala na sa unang laban ng dalawa noong 2008, sa mga huling rounds din bumanat ng husto ang Mexican boxer.

Si Margarito ang unang boksingero na tumalo sa Puerto Rican champion noong July 26, 2008 sa Las Vegas, subalit naging kontrobersiyal ang panalo nito kasunod ng pagkakasangkot sa “illegal hand wrap” scandal.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply