Maricar Reyes ginagamit ng ABS-CBN para patigasin ang pagkalalaki ni Piolo Pascual

AMININ man o hindi, dahil sa pag-iyak, pagiging kaawa-awa ni KC Concepcion sa interview sa kanya sa The Buzz noong Linggo, muling nabuhay ang isyung bakla raw si Piolo.

Malinaw kasi na sa mga proclamation ni KC, puwede ngang mag-one plus one ang marami na yun ang nais ipakahulugan ni KC sa ilang quotes niya.

Sa ngayon, sinasabing sobrang affected ang ABS-CBN dahil malaking kasiraan ito kay Piolo. Sa panahong halos nangungulelat na ang aktor dahil sa rami ng mga aktor na naungusan na siya, ayan nga’ng trahedya sa kanyang gender image. Muling umapaw ang mga puna, and because of this, sabi nila, gumagawa raw ng hakbang ang ABS-CBN para nga muling itirik ang nagibang imahe ni Piolo.

At isa si Maricar Reyes sa sinasabing ginagamit ngayon upang patigasin ang pagkalalaki ni Piolo.

Na kesyo nga si Maricar ang tunay na dahilan kung bakit nakipag-break up si Piolo kay KC.

Parang hindi naman kami makapaniwala sa lumalabas na tsismis na si Maricar Reyes daw ang third party sa hiwalayang Piolo Pascual at KC Concepcion.

Ang pinalalabas ngayon, may nakakita raw kina Maricar at Piolo na magkasama sa isang lugar na hindi naman binanggit kung saan.

Hindi ito ang unang beses na nadawit si Maricar sa hiwalayan ng isang showbiz couple.

Matatandaang siya rin ang itinurong third party noon sa breakup nina Angel Locsin at Luis Manzano. Pero namatay rin agad ang isyu at wala namang nagpatunay o umamin na totoo ’yun kaya feeling ng lahat, walang katotohanan ang tsismis.

This time, hindi malayong wala ring katotohanan ang Piolo-Maricar issue lalo pa nga’t hindi naman napatunayan ang pagkaka-involve rati ng aktres sa hiwalayan nina Luis at Angel.

We find it unfair sa part ni Maricar na lagi na lang siyang nadadamay at itinuturong third party. Hindi kaya gimik nga lang ito?

Well, kung true, ok lang, kung hindi naman talaga totoo, tigilan na!

Meron ding kumakalat na tsismis na very harsh ang ABS-CBN sa mga media entity who are strongly opining sa gender ni Piolo. Meron daw isang tabloid na napormahan ng ABS at ngayon, ban daw ang ilang personalities na makatuntong sa bakuran nila.

How true?

***

Gabby Concepcion galit kay Piolo Pascual!

MATAPOS mag-react ni Megastar Sharon Cuneta sa kontrobersyal na breakup ng anak na si KC Concepcion at Piolo Pascual, si Gabby Concepcion, ang papa naman ng aktres ang nagbigay ng saloobin sa isyu.

Sa interview ng ABS-CBN, sinabi ni Gabby na, “Well, my take on that is ito, makinig kayo, this is very important. They are no longer today, they are yesterday, but they will never be tomorrow.

“Well, relationships and breakups happen, ganoon talaga. Of course, I feel for my daughter. I don’t normally see her cry on TV, but I guess everything works out for the best. She needs our support right now. She’s hurting.”

Dagdag ng aktor, “I know it’s difficult for her. She’s young. It takes experience to finally decide on what you are going to do to take the next step, so, she’s going through it right now. I’m sure after these things, she will be strong.”

Aminado si Gabby na kahit papa’no, nagalit siya kay Piolo.

“Well, kanya-kanyang emotions ‘yan. Of course, sa una, galit ka because somebody hurt your daughter. Any father would feel that way. But siyempre, you have to go on. You have to move forward.

“Relationships are like that. It’s just that, you know, the industry. So, I just hope na lang na people are more open, more honest. And if you don’t like her, don’t be (like that). I’m sure it’s not anybody’s intention, but I really hope things (would) turn out better for the both of them (as they go their) separate ways.”

Depende na raw kay KC kung gugustuhin pa nitong bigyan ng panibagong “chance” si Piolo. Hindi raw siya ang makakapag-decide nu’n para sa panganay na anak.

Sey pa ni Gabby, “You know, well, this is just based on experience. You can’t control love. If it happens, it happens.
Parang kidlat ‘yan, ’di mo alam kung kailan ka tatamaan.

“It’s like death, ’di mo alam kung kailan mangyayari. If it happens, you know if it’s real. I know kay KC, totoo ‘yon.”

Sa hiwalay at mas naunang panayam, sinabi naman ni Sharon na “KC is mature enough to handle any problem.”

Sigurado rin daw siya na malaki ang natutunan ni KC sa nangyaring hiwalayan.

So there!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply