Mark Anthony Fernandez nasobrahan sa trabaho, bumigay na ang health

TULUYAN nang humingi ng one month vacation si Mark Anthony Fernandez sa soap na “Munting Heredera” dahil nagkakasakit na siya sa sunud-sunod na taping. Kinukonsider rin ang bigat ng role ni Mark Anthony sa pagkakasakit niya recently.

Sa role ni Mark Anthony, lagi siyang galit at mabigat sa loob ang kanyang role. Dahil dito ay nagkakasakit na si Mark. Nilalagnat na siya minsan na nagre-report sa set kaya minabuti ng soap na bigyan siya ng one month vacation.

Sobrang haba kasi ang Munting Heredera pero may katwiran namang i-extend ang show dahil sa maraming sumusubaybay rito. Makikita ito sa pagiging consistent na No. 1 sa ratings sa Mega Manila, bukod pa sa maganda ang flow ng story kaya hindi mo makalilimutang subaybayan.

Nagsimula ang soap noong July pero haya’t magtatapos na ang taon ay namamayagpag pa rin ito sa pagiging no. 1 sa rating. Maaaring tumakbo pa ito hanggang February dahil magti-taping pa ang show hanggang January 2011.

Nabatid namin ang tunay na pangyayari sa health ni Mark Anthony sa lumalabas na barkada niya at alalay sa Munting Heredera na si Ozu Ong, ang isa sa members ng Masculados 2.

Ani Ozu: “Totoong minsan nagre-report na si Mark Anthony na may lagnat. Noong napabalitang may sakit siya at di nagri-report. Totoo iyon. Alam ko iyon. Siya kasi ang madalas ko kaeksena sa soap.

“Kaya binigyan na siya ng sariling script sa soap, last Friday (Nov.25) ang huling taping niya bago magbakasyon. Babalik na siya sa set sa January 2012.”

Na-air na ang last taping ni Mark Anthony last Friday (Dec. 2), nagpaalam siyang aalis para hanapin niyang mag-isa ang kanyang anak na si Jennifer (Mona Louise Rey).

000

HINDI magbabago ang pagtingin ni Derrick Monasterio sa co-Kapuso star na si Sarah Lahbati kahit ngayon ay bihira na silang mag-communicate sa isa’t isa. Nagkikita lang silang dalawa kapag Sunday sa Party Pilipinas. Hanggang batian lang muna sila dahil pareho silang busy sa kani-kanilang numbers sa show.

Ani Derrick sa set ng Tween Hearts sa Star City: “Basta kahit na hindi na kami nag-uusap na madalas, handa akong mag-intay sa kanya kung kailan na siya puedeng maligawan. Okay namang ganito ang kalagayan namin dahil sa pareho rin kaming busy.

“Mas mabuti naman na ganito lang kami dahil kailangan naming magsikap para umunlad ang aming career. Basta andito lagi siya sa puso ko.”

Ngayong hapon ay tampok sa Tween Hearts ang pagkakabukingan ng mga rela-relasyon ng mga tween sa kani-kanilang manliligaw. Magkakabukingan. Magseselosan.

Tulad nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio sa kani-kanilang roles na ginagampanan.
Samantala, sa kwento ng pag-iibigan nina Jake Vargas at Bea Binene, pareho na nilang aaminin ang kanilang relasyon. Ikagugulat naman ito ni Barbie bilang kapatid niya sa soap.

000

KAHIT super lungkot sa pagkamatay ng butihing ina na si Magdalena Vargas sa sakit na colon cancer na nalibing na last Sunday, Dec. 4, nagpapasaya ngayon kay Jhake Vargas ang sunud-sunod na bagong assignments sa GMA-7. Siya ang lalabas na binatang Chito sa comedy reality show na Pepito Manaloto. Samantalang, ang kanyang magiging love interest ay ang anak nina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez na si Janine Gutierrez.

Bagong twist ng buhay mag-asawa ito nina Pepito at kanyang asawa dahil malaki na ang kani-kanilang mga anak.

Samantala, ang child star na si Angel Satsumi ay gaganap bilang nakababatang kapatid ni Chito na si Clarissa.

Kasama sa pagiging binata ang pagkakaroon ng sinisinta o hinahanggan, kaya naman si Chito ay hahanga sa isang dalagang kapitbahay na nagngangalang Hannah (Janine Gu- tierrez). Sa sobrang kagustuhan niyang makilala ang dalaga, hihingi siya ng tulong sa kanyang kaibigan na si Erika (Lexi Fernandez).

Matulungan kaya ni Erika si Chito na makilala ang sinisintang si Hannah? Magkaroon kaya siya ng lakas ng loob para magpa-impress rito?

000

Sen. Bong Revilla di naintriga kay Alice Dixson kahit malaya na ito ngayon

NAGPASALAMAT si Sen. Bong Revilla na hindi sila naintriga ni Alice Dixson sa pagsasama muli nila ni Alice sa pelikulang “Ang Panday,” considering na inamin na ni Alice na hiwalay na siya sa kanyang husband na taga-Canada.

Bukod sa pagiging busy ni Bong sa Ang Panday dahil nagpu-promote na siya ngayon, hindi pa rin niya nakalilimutan ang kanyang Kap’s Amazing Stories na ngayo’y laging number 1 sa evening primetime dahil laging bago ang ng tinatalakay ng infotainment.

Tinalakay last Sunday ang mga hayop na nabubuhay sa malalamig na lugar, gayundin ang pagbabago ng mga yelo sa north at south pole. Sabi ng mga scientist ay bunga ito ng pagbabago ng climate na daigdig kaya natutunaw na ang mga yelo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply