Marquez masama pa rin ang loob!

MASAMA pa rin ang loob ni WBO champion Juan Manuel Marquez bunsod ng pagkatalo kay pound-for-pound king Manny Pacquiao noong Nobyembre 13 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Subalit unti-unti na aniya itong binabaon sa limot ni Marquez dahil katunayan ay itinutuon na niya ang kanyang panahon sa pagtulong sa mga mahihirap na kabataan.

Suportado nina Marquez at WBO President Francisco Valcarcel ang “Kids Drug Free” Program kung saan nagluwal siya ng pera para sa programa sa Mexico.

Hanga naman si Marquez sa Hogares Providencia of Father Chinchachoma, isang non-profit organization, sa ginagawa niyang pagtulong sa mga batang walang tirahan at pagbibigay ng edukasyon nang libre kaya siya nag-donate ng pera dito.

“We are very happy to be in Mexico with our great Super Champion helping the future of this country,” pahayag naman ni WBO President Francisco “Paco” Valcarcel. “We have been helping the children with our WBO Kids Drug Free program in over 25 countries.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply