Mas maraming kakampi mas malakas at matatag

MALAMANG na batid na ng nakararami na malimit makibahagi ang Philippine Navy sa iba’t ibang pinagsanib na pagsasanay o combined exercises kasama ang mga navy ng iba pang mga bansa.

Gaya ng nabanggit ko noon, napakahalaga ng mga pinagsanib na pagsasanay dahil sa nahahasa at napabubuti ang kakayanan ng mga kasapi na makipag-operate kasama ang mga kakampi na pwersa.

Sa panahon ng krisis ay madali para sa mga pinagsanib na pwersa ang mag-operate dahil kilala na nila ang galaw, taktika at diskarte ng kakamping hukbo. Magiging mas mabilis at mas epektibo ang mga aksyon at reaksyon ng mga kalahok na pwersa dahil magkakilala at sanay na sila sa isa’t isa.

Ngunit hindi lang sa mga pinagsanib na pagsasanay nakikinabang ang Philippine Navy mula sa mga dayuhang kaalyado. Maaari rin tayong makinabang mula sa kakampi nating mga Navy sa pamamagitan ng pagdalo sa international defense exhibits.

Mula sa mga kaganapang ito, napagtitipon-tipon ang lahat ng kalahok na defense manufacturers at maging ang mga kaalyadong hukbo upang makabuo ng isang lugar o venue kung saan nagkakaroon ng pagpapalitan ng mga makabagong sistema, teknolohiya, at pag-unlad sa larangan ng seguridad at depensa. Bukod dito, nabibigyan din ang mga kalahok ng pagkakataon na mapagtibay ang kani-kanilang mga alyansa at pagkakaibigan sa loob at labas ng larangan ng depensa.

Kasalukuyang patungo ang inyong Navy sa gaganaping Langkawi International Maritime and Aerospace 2011 Exhibition (LIMA 2011) sa Malaysia sa Disyembre 6-10, 2011.

Makasasali tayo sa mga kumperensya, demonstrasyon at pagtatanghal ng mga makabagong teknolohiya at pag-unlad sa sistemang pandepensa sa dagat at himpapawid.

Mabibigyan tayo ng pagkakataon na matutunan at masanay sa mga pag-unlad sa larangan ng depensa. Naipakikita rin sa paglahok natin ang kakayahan ng inyong Hukbong Dagat upang maging bahagi ng higit na malaking pandaigdigang komunidad ng mga Hukbong Dagat na ating kakampi.

Kaya’t sana’y patuloy nating suportahan ang ating mga Mandaragat na lumalahok sa mga pagsasanay at eksibisyon na ganito. Para sa ating kapakinabangan ang kapakinabangan nila.

Kaya natin yan, Pinoy!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply