Masayang Christmas sa inyong lahat!

BUKAS, Disyembre 25 – ay ang huling araw ng Christmas ‘count down’ na nakagawiang inihahayag at naririnig sa radio at telebisyon.

Napakaimportante ang araw na ito dahil kapanganakan ng tagapagligtas ng Sanlibutan – si HesuKristo, kaya inaanunsyo.

Tulad ko at tulad mo, nagdiriwang kapag sumasapit ang araw ng kapanganakan.

Naghahanda ng makakain para magsaya.

Kapag birthday mo, nagpapaabot ng pagbating ‘Happy Birthday’ ang mga kakilala, miyembro ng pamilya at  mga kaibigan.

Sa kaarawan ni HesuKristo, ‘di lang si Mang Juan, Aling Maria, uncle Sam, at Hirohito kundi lahat – ang buong mundo…

Dahil nga ang araw na ito ay birthday ng anak  ng Panginoong Diyos na pinadala ng tagapagligtas ng kasalanan ng Sanlibutan.

Kaya asahan na bukas – araw ng Pasko – may mga darating sa ating mga tahanan na magpapaabot ng pagbati ng ‘Maligayang Pasko’.

Ang inyong lingkod, habang sinusulat ito ay inuulan na ng maraming pagbati (sa cellphone) mula sa mga kakilala at kaibigan.

Sa araw ng Pasko, bukod sa pagbati sa CP at personal na pagbati ay asahan ang pagdalaw ng kakilala, lalo na ang mga inaanak.

Nakagawian din kasi natin na bukod sa pagbati ng ‘Maligayang Pasko’, may inihahandog na regalo sa mga dumadalaw.

Kung ‘di gamit, bago at malutong na tig-P20, P50, P100 ang  iniaabot sa mga kakilalang namamasko, lalo na sa mga bata. Pero sa pagtanda ng panahon, aminin natin na maraming nabago sa mga nakagawian natin tuwing sumasapit ang Pasko.

Kung noon, nakapagbibigay tayo ng mga regalong gamit at malulutong na pera sa mga namamasko, ngayo’y  “can’t afford na.”

Ito’y, dahil marahil sa hirap ng buhay. Naisin man natin na mamigay sa araw ng Pasko, ‘di na natin magawa dahil sa kahirapan.

Kahit ang gobyerno ay nagbawas na rin ng ipinamimigay tuwing Pasko. Ang Christmas party nga nila, tipid na tipid na.

Kung noon ang pa-raffle ay telebisyon, ngayon ay plantsa na lang at wala na ring handog na ‘give aways’ sa mga empleyado.

‘Di lang sa gobyerno nangyayari ang ganyan, kundi sa mga pribadong kompanya. Ito’y dahil nga bumagsak ang ekonomiya.

Pero sa ganang atin, ‘di dahilan ang kahirapan para ‘di natin ipagdiwang ang Pasko.

Masayang  Christmas sa lahat!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply