Mass burial isasagawa sa Iligan mamaya

ISASAGAWA ng pamahalaang lungsod ng Iligan ang mass burial para sa mga namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Sendong, mamayang hapon.

Ayon kay Iligan City Mayor Lorenz Cruz, hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga nakuhang bangkay ay walang umaangkin, problema umano ito dahil sa kakulangan ng kabaong na mapaglalagyan sa mga bangkay.  pati na ang pormalin sa mga punerarya.

Hindi rin umano tinatanggap ng punerarya ang mga bangkay dahil kapos na sila sa kemikal o pormalin na inilalagay sa mga bangkay.

Mapanganib din para sa kalusugan ng mga residente ang naaagnas na bangkay.

Nilinaw ni Mayor Cruz na bibigyan pa rin ng documentation ang mga bangkay para sa mga pamilya na gustong mag-claim sa mga patay sa nabanggit na trahedya.

Babasbasan din ang mga bangkay sa isasagawang mass burial sa pampublikong sementeryo mamayang hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply